Manila, Philippines – Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation o LRMC ang pagpapahaba ng operating hours ng LRT 1 tuwing weekend at holidays.
Ayon kay LRMC President at CEO Rogelio Singson, ang nasabing scheme ay makatutulong para mas mapabilis ang pila ng mga pasahero sa mga istasyon kapag weekend at holiday.
Sa ilalim ng bagong weekend at holiday scheme, magsisimula ang takbo ng tren alas-4:30 ng umaga, na mas maaga ng 30 minuto mula sa regular na oras nito.
Dahil dito ay magiging 472 trips na ang magagawa ng mga tren mula sa 423 trips kapag Sabado at 353 trips naman kapag Linggo mula sa 323 trips nito.
Nagsimula na kahapon ang dry run ng nasabing bagong weekend at holiday schedule at magpapatuloy hanggang sa pormal na implementasyon nito sa July 8.