Simula sa buwan ng Hulyo, sususpendihin sa loob ng apat weekends ang operasyon ng Mero Rail Line 3 (MRT-3).
Ito’y upang pabilisin ang rail replacement works at ganap na matapos ito sa buwan ng Setyembre 2020.
Pasisimulan ang tigil operasyon ng tren sa July 4 at 5, August 8 at 9, 21 at 23, at September 12 at 13.
Magkakaroon ng rail replacement works tuwing weekend kabilang ang turnout works sa parehong southbound at northbound tracks sa North Avenue at Taft Avenue stations.
Gagamitin na rin ng service provider na Sumitomo- Mitsubishi Heavy Industries ang weekend suspension para gawin ang rail destressing, rerailing, turnout replacement, resurfacing, rail profile grinding, ballasting at tamping, at iba pang major works sa MRT-3 trains, electrical systems at iba pang subsystems.
Pagkatapos ng rail replacement works asahan nang dahan-dahang mapabilis ang takbo ng tren mula sa 40kph hanggang 60kph sa buwan ng December 2020 at bababa ang headway o interval sa pagitan ng bawat tren sa 3.5 minutes.
Sa panahong ito, ipapatupad ng MRT-3, Department of Transportation (DOTr) Road Sector at Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang bus augmentation program para sa mga maaapektuhang commuter.