Operasyon ng MRT, balik na sa normal

Manila, Philippines – Nagbalik-normal na ang operasyon ng Metro Rail Transit ngayong araw.

Nabatid na 19 na tren ng MRT-3 ang naiba-biyahe nang muli sa orihinal nitong bilis na 40 kilometers per hour.

Matatandaang kahapon nang makaranas ng matinding abala sa mga pasahero ang ginawang safety inspection ng MRT kung saan nagbawas ng mga tren at pinabagal din andar ng mga ito.


Umaasa naman ang mga pasahero na matutuloy-tuloy na ang maayos na serbisyo ng MRT.

Facebook Comments