Operasyon ng PhilPost sa lungsod ng San Juan, balik na sa operasyon

40

Inihayag ngayon ng tanggapan ng PhilPost na balik na umano sa normal ang operasyon ng kanilang tanggapan sa PhilPost San Juan City.

Ayon kay Post Master Liberty Mercado, ang naturang hakbang ay dahil na rin sa dalawang linggong pagkakasuspinde ng trabaho sa mga empleyado at kartero simula pa noong buwan ng Setyembre ngayon taon.


Paliwanag ni Mercado, sinuspinde nila ang operasyon sa PhilPost San Juan City dahil sa nagpositibo sa COVID-19 ang anim na mga empleyado.

Hindi naman ikinaila ni Mercado na magkakaroon sila ng backlog sa mga sulat bukod pa sa wala silang kita sa nakalipas na 2 linggong pagkakasuspinde pero kailangan umanong sumunod sila sa health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) gaya na lamang ng disinfection at contact tracing para na rin sa kaligtasan ng lahat ng mamamayan laban sa pagkahawa at pagkalat ng COVID-19 sa naturang lugar.

Facebook Comments