Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang mabagal na aksyon ng gobyerno laban sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa harap na rin ito ng mga nadiskubreng iligal na aktibidad sa bansa na may kaugnayan sa POGO industry.
Giit ng Bise Presidente, noon pa man ay marami na ang kumukwestyon sa operasyon ng POGO sa Pilipinas dahil sa pagiging iligal nito sa ibang bansa.
Kaugnay nito, umapela si Robredo na ipatigil na sa lalong madaling panahon ang operasyon ng mga POGO.
Aniya, napakarami nang naging negatibong epekto ng POGO sa bansa.
Hindi rin aniya sapat ang kitang nakukuha sa pogo kumpara sa nawawala sa bansa.
Si Vice President Leni Robredo sa programang Biserbisyong Leni ng RMN.
Facebook Comments