Operasyon ng STL, mas pinalawak pa ng PCSO

Manila, Philippines – Inihayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan na mas pinalalawak pa nila ang operasyon ng Small Town Lottery sa bansa.

Ayon kay Balutan, layon ng kanilang pagpapalawak sa STL ay upang makalikom ng sapat na pondo para sa kanilang mga Charities na gagawin at upang palakasin ang laban ng gobyerno sa illegal gambling sa bansa.

Aminado ang opisyal na malaking hamon sa kanila ang operasyon ng STL pero tiwala si Balutan na magtatagumpay sila sa kanilang laban kontra iligal na sugal sa bansa.


Hinikayat din ni Balutan ang mga operatiba ng PNP at iba pang mga Law Enforcement Units na doblehin ang kanilang pagsusumikap para mahuli ang mga ilegal na operators sa bansa.
DZXL558

Facebook Comments