Ito ang sinabi ni Regional Director Edward Cabase ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Region 2 sa “Kapehan sa Kapitolyo” program ng Cagayan Provincial Information Office nitong araw, Setyembre 19, 2022.
Ayon kay RD Cabase, nasa P1M ang multa ng mga operator at driver ng bus; P200,000 sa mga van, at P50,000 naman sa mga jeepney na hindi sumusunod sa 20% discount.
Aniya, higit na malaki ang multa kumpara sa diskwento naibibigay sa mga pasahero kung kaya’t kaya huwag na umano itong ipagdamot sa kanila ang nararapat na diskwento.
Hinimok din ni Cabase ang publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan ang mga operator at driver na hindi nagbibigay ng diskwento.
Dagdag pa niya, kailangan din sundin ng mga driver ang fare matrix na nakasabit sa kanilang mga sasakyan.
Samantala, patuloy din ang ginagawang pag-iikot ng LTFRB sa buong rehiyon para mabigyang aksyon ang mga nakakarating sa kanilang opisina na maraming mga kolorum na sasakyan ang patuloy na bumabiyahe.
Sa kanilang monitoring at enforcement activities naman, may tatlong UV Express (UVE) ang nahuli ngayong araw.
Nahuli ang mga ito sa bahagi ng Bayo, Iguig, Cagayan matapos makitaan ng ilang paglabag tulad ng paggamit ng unauthorized markings, sirang broken shield at overcharging.
Patuloy rin ang kanilang enforcement activities upang matiyak na may kaukulang dokumento ang mga pampasaherong sasakyan na bumibiyahe sa rehiyon kasabay ng pagtiyak sa kaligtasan ng mga mananakay.