ISANG MIYEMBRO NG MILITIA NG BAYAN, SUMUKO

22
Cauayan City, Isabela- Isang miyembro ng Militia ng Bayan o NPA in the Barrio ang kusang sumuko sa mga awtoridad sa Poblacion, Rizal, Cagayan nitong Linggo, Setyembre 18, 2022.

Kinilala ang sumuko na si alyas Jojo na isang high school student nang siya ay sumapi sa Ka Simoy na palaging bumibisita sa kanilang lugar sa Zinundungan Valley, Rizal, Cagayan.

Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office (PRO 2), si alyas Jojo ay unang nagsilbing tagadala ng pagkain na kalauna’y nagging pasabilis o messenger na ng grupo.

Taong 2016 noong nagdesisyon siyang tumiwalag sa makakaliwang grupo at bumalik sa normal na pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.

Ayon naman sa PNP Rizal, si alyas Jojo ay No. 42 sa Periodic Status Report of Threat Group (PSRTG) sa 4th Quarter noong taong 2021.

Samantala, hinikayat ni PBGEN Steve Ludan ang mga natitirang miyembro at supporters ng makakaliwang grupo na sumuko na magbalik loob sa gobyerno.



Sinabi din niya na may mga nag-aantay na programa at benepisyo para sa mga susuko sa kanilang pagbabalik sa normal na pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Facebook Comments