Opisyal ng BIFF arestado

Bumagsak sa kamay ng batas ang isang Kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters matapos maaresto sa tahanan nito sa Sitio Campo Muslim, Brgy. Nabalawag Midsayap North Cotabato pasado alas otso kahapon ng umaga.

Kinilala ni 34th IB Commanding Officer LTC Angelo Lutera ang nahuling field commander na si Muslimin Ladtugan. Nakumpiska sa posisyon nito ang isang M16, M14, RPG, 2 kalibre kurantay singko at mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device.

Sinasabing matagal ng minamanmanan ng mga otoridad si Kumander Mus resulta sa pagkakaaresto ng mga elemento ng Midsayap PNP, 34th IB at 603rd Brigade Command.


Sangkot si Kumander Mus sa kaliwat kanang pang aatake, pambobomba sa mga bayan ng Maguindanao at North Cotabato. Kasalukuyang nasa custody ng PNP si Kumander Mus.
GOOGLE PIC

Facebook Comments