Opisyal ng BOC na sangkot sa pagpapalusot ng droga, nasa kustodiya ng Kamara

Manila, Philippines – Ihaharap bukas sa imbestigasyon ng House Committee on Dangerous Drugs ang isang opisyal ng Bureau of Customs na sangkot sa pagpapalusot sa green lane ng 6.4 Billion na halaga ng shabu.

Kinumpirma ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na ito ay si Larribert Hilario, Risk Management Officer ng BOC.

Ayon kay Fariñas, nasa ilalim ng protective custody ngayon ng kamara si Hilario salig sa pag-apruba ni Speaker Pantaleon Alvarez.


Haharap ito sa imbestigasyon bukas ng Dangerous Drugs Committee.

Nakausap na umano ni Fariñas si Hilario at base sa mga pahayag nito ay makakapagbigay ang opisyal ng linaw sa misteryo ng paglusot ng malaking bulto ng shabu sa BOC noong Mayo.

Facebook Comments