Bakwit na nagpumilit bumalik sa Marawi, sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala

Manila, Philippines – Sugatan ang isang residente ng Marawi City matapos na tamaan ng ligaw na bala.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – nag-pumilit kasing bumalik sa siyudad ang hindi pinangalanang biktima kahit pa nagpapatuloy ang bakbakan sa lugar.

Dahil dito, muling nanawagan ang AFP sa mga bakwit na huwag magpumilit na bumalik sa kanilang mga bahay.


Bukod kasi sa mga ligaw na bala, banta rin buhay ang mga itinanim na bomba ng mga terorista.

Paglilinaw ni Padilla, tanging mga residente lang sa paligid ng Lake Lanao ang binigyan nila ng pahintulot na bumalik sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments