OPISYAL NG DAR CAGAYAN NO SHOW SA RALLY NG KAGIMUNGAN

Cauayan City, Isabela – Sa kabila ng sinasabing pagharang, itinuturing ng KAGIMUNGAN KMP Cagayan na matagumpay ang ikinasa nilang dayalog sa pagitan ng Provincial Agrarian Reform Program officer kanina (October 21, 2019)

Humigit kumulang sa 100 magsasaka mula sa 10 pangunahing bayan ng lalawigan ng Cagayan ang nagtungo sa harap ng opisina ng Department of Agrarian Reform Program kaugnay sa paggunita sa Lingo ng Magsasaka. Bitbit ang kanilang panawagan ay sinikap ng mga dismayadong magsasaka na makausap ang mga opisyal ng DAR para maiparating sa mga ito ang kanilang mga karaingan.

Ayon kay Isabelo Adviento, Tagapangulo ng Dangayan Cagayan, sinikap umano silang pigilan at buwagin ng mga pulis. Ito ay sa kabila ng permit na ibinigay sa kanila ng PNP. Dagdag pa niya, hinarang din ang ilan sa kanilang mga kasamahan mula sa ibat ibang bayan ng Cagayan.


Ilan lamang sa panawagan ng grupo ni Adviento ay ang pagbasura sa Rice Tariffication Law, mga problema at kawalan ng lupa at ang tamang pagpapatupad sa CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program at pagtaguyud sa Genuine Agrarian Reform Program o GARP.

Bagamat hindi sila personal na hinarap ng Provincial Agrarian Reform Program Officer II ay matagumpay umanong nailatag ng grupo ni Adviento ang kasalukuyang kalagayan ng mga magsasaka sa lalawigan. Naisumiti rin umano nila ang kanilang posisyon paper kaugnay sa panawagang ibasura ang konrobersiyal na Rice Tariffication Law.

Facebook Comments