Cauayan City, Isabela- Isang pamilya ng katutubong Agta na kamag-anak ng dating kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nagtungo sa Headquarters ng 95th Infantry Salaknib Battalion sa bayan ng San Mariano, Isabela upang magpatulong dahil sa kanyang nakatakdang panganganak.
Hindi naman nag-atubili ang kasundaluhan na dalhin ang mga ito sa hospital sa Bayan ng San Mariano para sa ligtas nitong panganganak sa pangunguna ni 2LT Roselle Dael.
Nang makapanganak ang Ginang ay walang lumalabas na gatas sa kanyang dibdib na dahilan ng pagkagutom at pag-iiyak ng sanggol.
Si 2Lt Dael, bilang isa ring ina at bagong panganak, ay nagboluntaryo na pasusuhin ang katutubong sanggol.
Sa ngayon, ay nasa maayos na kalagayan ang sanggol at nasa pangangalaga ng kasundaluhan hanggang sila ay tuluyang makarekober at makabalik sa kanilang komunidad.
Binigyan ng palayaw o nickname na “Dos” ang sanggol na ang ibig sabihin ay “Salaknib 2”.
Sa kalaunan, napag-alaman ng kasundalohan na ang nanay ng sanggol ay anak ng isang NPA na aktibo pa sa kasalukuyan.