Opisyal ng Pugad Lawin, Naging Panauhin sa PRO2!

Tuguegarao City – “Mahalaga ang papel ng komunikasyon sa panahon ng kalamidad at sakuna” Ito ang naging laman ng mesahe ni ginoong Ramon S. Narte ng Pugad Lawin Incorporated bilang panauhing pandangal sa isinagawang Flag Raising and Awarding Ceremony kaninang umaga sa Police Regional Office 2 Grandstand.

Si Narte ay isang Consultant ng Rapid and Emergency Communications sa Office of the Civil Defense Regional Office 2 at siya rin ang National Vice-President ng Civic Action and Emergencies ng Pugad Lawin Incorporated.

Ipinahayag pa ni ginoong Narte na bawat cell sites na mayroon sa buong lambak ng Cagayan na kapag hindi matibay at masira ang mga ito dahil lamang sa mga kalamidad at sakuna ay maaring bumagsak narin ang komunikasyon.


Samantala pinangunahan ni PRO2 Deputy Regional Director for Administration Police Chief Superintendent Petronelli M. Baldebrin kasama si ginoong Ramon Narte ang pagbibigay ng parangal sa siyam na kapulisan na nagbigay ng kanilang kontribusyon sa tagumpay ng PNP Organization.

Ang mga nabigyan ng Medalya ng Kagalingan ay sina Police Inspector Ferdinand E. Laudencia, Police Chief Inspector Eugenio L. Mallillin, Police Inspector Jeorge V. Jacob, Police Senior Inspector Ferdinand A. Datul, Police Senior Inspector Renz Mario B. Baloran, SPO1 Randy P. Semana, SPO1 Allan B. Palattao at PO2 Edwin R. Pagulayan.

Facebook Comments