MANILA – Nagisa sa Senate Investigation ang opisyal ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa $81-million funds na ninakaw mula sa Bangladesh Bank (BB).Tumangging sumagot si Maia Santos-Deguito, manager ng RCBC branch sa Jupiter, Makati City, nang matanong ni sen. tg guingona kung bakit ang kaduda-dudang galaw ng mga pondo sa apat na mga accounts sa banko ay hindi inalarma.Una nang dinamay ni Deguito si RCBC President and CEO Lorenzo Tan na binawi rin niya.Kaugnay nito – mariing itinanggi ni Tan ang akusasyong may basbas niya ang nangyaring money laundering.Aniya – wala siyang kinalaman sa mga paratang ni Deguito na siya ang nagbigay ng go-signal para magbukas ng accounts kung saan ipapasok ang milyung-milyong dolyar.Paliwanag ni pa ni Tan, kahit siya pa ang CEO, hindi na dumadaan sa kaniya ang umaabot sa higit isang trilyong pisong pinoproseso ng RCBC kada buwan dahil hindi na nito kailangan ng approval mula sa kaniya.Hindi naman sinasagot ni Tan ang ilang mga katanungan ni Blue Ribbon Chair Sen. Tg Guingona dahil sapag-invoke sa Bank Secrecy Law.Agad naman itong kinontra ni Guingona at sinabing hindi sakop ng Bank Secrecy Law ang naturang issue dahil ang tunay na may-ari ng nawawalang salapi na ang Bangladesh Bank ay hindi nag-invoke ng Bank Secrecy.Samantala … Nanindigang naman ang Anti-Money Laundering Council na panahon nang isama ang mga casino sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act of the Philippines.Giit ni Atty. Emmanuel Dooc – miyembro ng AMLC – aminado siyang napakarami pang loop-holes sa batas na ginagamit ng mga mapagsamantala para gumawa ng mga ilegal na transaksyon.Bagamat marami aniyang pagkukulang sa batas, ay patuloy ang ginagawang pagtatrabaho ng komite ngunit sadyang mahirap ito sa kanilang panig kung maging ang batas ay hindi nila nakakatulong.
Opisyal Ng Rcbc At Anti-Money Laundering Council – Nagisa Sa Pagdinig Ng Senado Hinggil Sa $81-Million Funds Na Ninakaw
Facebook Comments