Nagpapatuloy parin ang ginagawang pag-iikot o ‘roving’ operation sa ilang pasyalan at bypass road ng lungsod ng Alaminos.
Bahagi umano ito ng programang “Oplan Pasko at Bagong Taon Operation sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMO) na naglalayong tiyaking ligtas at sumusunod ang mga kababayan at bisita sa safety health protocols.
Ang bayan rin ng Bolinao ay nagpapatuloy ang ginagawa ng Incident Management Team ng Bolinao na roving activity sa bahagi ng Patar Public Beach at ilang pasyalan sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong inaasahan ang dagsa ng mga ito ngayong bagong taon.
Sa kanilang pag-iikot ay ang pagpapaalala sa mga operational guidelines and safety protocols sa selebrasyon ng holiday season 2021.
Ang naturang tactical and strategic deployment ng mga personnel at patuloy na pagsasagawa ng “OPLAN BAKASYON 2021” ay pagsiguro umano na ligtas ang lahat mula sa iba’t ibang hindi inaasahang pangyayari.
Nakabantay at nakaantabay din ang Kapulisan ng Agno Municipal Police Station, kasama ang onduty rescue upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko na bumibisita sa bayan at nagpaalala na sumunod sa mga health protocols gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask. | ifmnews
Facebook Comments