‘OPLAN BAKLAS’, PORMAL NA SINIMULAN NA NG COMELEC PANGASINAN PARA SA MGA CAMPAIGN MATERIALS NA WALA SA COMMON POSTING AREAS

Pormal na nagsimula na ang ‘Oplan Baklas’ o ang pag aalis ng mga campaign materials ng mga national candidate na nakitaan ng paglabag sa guidelines ng COMELEC.
Sinabi ni Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Supervisor, umiikot sila sa iba’t ibang lugar at ang lahat na makikitang illegal campaign materials o ang mga hindi nakalagay sa common posting areas ay kanilang babaklasin.
Kabilang lamang sa mga bawal na paglalagyan ng mga ito ay ang mga puno, poste ng kuryente at tulay.
Aminado si Oganiza na hindi magiging full force ang kanilang operasyon dahil sa limitado lamang din ang kanilang empleyado at dahil sa nag iingat din umano sila.
Ang ilan pa umano sa mga naglalakihang campaign materials na nasa loob ng private property ay iniiwasan nilang maakusahang trespassing at sila din ay makasuhan.
Susulatan pa nila umano ang mga may ari ng private properties upang makacomply sa notice at kung hindi naman ito tatanggalin ay ang law office na ng COMELEC ang gagawa ng susunod na aksyon.
Siniguro naman ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office sa pangunguna ni PCol. Richmond Tadina, PNP Provincial Director na magbibigay sila ng seguridad sa COMELEC at Election Officer na nangunguna sa pagbabaklas ng mga campaign materials na wala sa common posting areas. | ifmnews
Facebook Comments