DFA, tiniyak na ligtas ang mga Pinoy crew na sakay ng barkong nahagip ng bomba sa Ukraine Port

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang 11 Filipino crew na sakay ng Turkish-owned ship na tinamaan ng bomba habang nasa Odessa Port sa Ukraine.

Ayon sa DFA, nakausap na rin ng naturang mga Pinoy ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Sa ngayon, nagtutulungan na ang Philippine Embassy sa Ankara, Turkey at ang Philippine Consulate General sa Istanbul para makausap ang Yasa Holding, na siyang may-ari ng Turkish vessel para sa kaukulang tulong sa Pinoy seafarers.


Kinumpirma rin ng DFA na kahapon ay agad na nakabalik ng Turkey ang nasabing barko at ngayong araw ito inaasahang dadating ng Yalova, Istanbul.

Facebook Comments