Top 2 Regional Most Wanted Person, Sumuko sa PNP Abulug

59
Cauayan City, Isabela- Boluntaryong isinuko ng suspek ang kanyang sarili sa mga awtoridad dahil sa kinakaharap nitong kaso sa Abulug,Cagayan.

Sa ulat ng PNP Abulug, ang suspek ay nakilala sa alyas na Goryo, 55-taong gulang, may asawa, walang trabaho, Top 2 Regional Most Wanted Person at residente ng Libertad, Abulug Cagayan.

Nagpasama ang suspek sa kanyang kaanak upang isuko ang sarili.

Ang naturang suspek ay pangalawa sa most wanted person dahil sa kinakaharap nitong kasong “murder” at “frustrated murder”.

Wala namang inirekomendang piyansa ang suspek na nasa pangangalaga ngayon ng mga awtoridad.

Facebook Comments