Oplan Greyhound, isinagawa sa Quezon City Jail

Quezon City – Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang mga otoridad sa Quezon City Jail kaninang umaga.

Pinangunahan ng pinagsanib na pwersa ang Quezon City Police District, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Drug Enforcement Agency ang Oplan Greyhound.

Pinalabas ang mga preso sa mga dormitoryo, kinapkapan at nagtipon sa basketball court, upang mahalughog naman ang loob ng bilangguan.


Pakay ng Oplan Greyhound na linisin mula sa mga kontrabando ang bilangguan kung saan mayroong mga K-9 dogs upang madetermina kung may kontrabandong droga.

Bukod sa paglilinis sa iligal na droga ang Oplan Greyhound, lauynin din ng operasyon na masigurong walang anumang gamit gaya ng mga cellphone, mga armas at iba pa.

Facebook Comments