Dr. Russel Salic, miyembro ng Financial Arm ng mga terrorist group – AFP

Manila, Philippines – Kinumpirma ni AFP Chief of staff Gen Eduardo Ano na miyembro ng Financial Arm ng mga terrorist groups si Dr. Russel Salic na sumuko sa National Bureau of Investigation noong buwang Abril taong kasalukuyan.

Ito ay matapos na kasuhan sa Estados Unidos dahil sa umano’y pagplano ng terror attack sa New York City.

Ayon kay Gen. Año trabaho ni Salic ay magpagdala ng pera sa mga suspected terrorist sa ibat-ibang bansa.


Sa ngayon bukod sa imbestigasyon ng Estados Unidos nagsasagawa rin ng imbestigasyon ang Philippine National Police at Armed Forces of the Phil. para matukoy kung saan nanggaling ang napakaraming pera ni Salic.

Inaalam din ng AFP at At PNP kung may koneksyon na sa maute Terrorist group at iba pang local terroist sa bansa si Salic.

Ginawa ni Gen. Año ang pahayag na ito sa isinagawang 20th AFP -PNP national JPSCC meeting and signing of joint resolution on the creation of an inter-agency committee on legal action sa Camp Crame.

Facebook Comments