Kasunod ito ng ginawang surprise mandatory drug test sa mga driver, conductor at empleyado ng public transport vehicles.
Tatlong team ang inorganisa at ipinakalat sa mga pangunahing transport terminals sa lungsod ng Tuguegarao upang matiyak na ligtas ang mga biyahero.
Ang pagpapatupad ng OPLAN HARABAS ay naaayon sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 na layong maiwasan ang road accidents dulot ng mga driver na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin o ilegal na droga.
Nagamit rin ang Narcotic Detection Dogs mula PDEA at Philippine Coastguard upang matukoy kung may droga na nakatago sa mga bagahe at sa loob mismo ng public transport vehicles.
Taong 2019, aabot sa 17,136 public transport service employees sa buong bansa ang sumailalim sa drug test kung saan 198 ang nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.