Reina Mercedes, Isabela – Naglunsad ng isang Police Information and Continuing Education sa mga kapulisan ang PNP Reina Mercedes sa pangunguna ni Acting Chief of Police Senior Inspector Michael Esteban, sa oras na alas otso kinse ng umaga, March 26,2018.
Sa ibinahaging impormasyon ng Reina Mercedes Valley Cops sa RMN Cauayan, layunin ng naturang pulong na maibahagi sa lahat ng kapulisan sa Reina Mercedes ang plano sa loob ng isang linggo para sa Oplan Ligtas Summer Vacation o SUMVAC 2018.
Kaugnay nito, isang team naman ang nagsagawa ng pagsusuri mula sa Provincial Internal Affair Service (PIAS) sa pangunguna ni SPO4 Elpidio Ranjo III ngayong araw March 28,2018 sa oras na ala una kwarentay singko ng hapon.
Sinuri ang Motorist Assistance Center na nasa National Highway, Triangle Par5k, Barangay Tallungan, Reina Mercedes sa pangunguna ni SPO4 Nestor B. Mangulad, MESPO maging ilang tauhan ng BFP at Emergency Response Team
Layunin din ng nasabing inspeksyon na masigurado ang kahandaan , kaligtasan sa publiko ng mamamayan at higit sa mga motorista na dadaan sa bayan ng Reina Mercedes.
Samantala kabahagi rin ng paghahanda ng PNP Reina Mercedes ang mahigpit na pagtingin sa mga lugar na karaniwang pinupuntahan ng taong bayan sa mga araw ng semana santa.