Inilunsad sa lungsod ng Valenzuela ang ang Oplan S.A.F.E. ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ikinasa ang S.A.F.E o Seen, Appreciated, Felt and Extraordinary program ng NCRPO para mas lalo pang palakasin ang pagbabantay sa seguridad lalo na sa Valenzuela.
Bahagi ito ng direktiba ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) gayundin ni Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, regional director ng NCRPO.
Ayon kay Valenzuela Chief of Police, Col. Salvador Salazar Destura Jr., isa sa mga layunin ng Oplan S.A.F.E. ay masiguro ang kaligtasan ng residente ng kanilang lungsod kasabay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Isa rin itong hakbang para palakasin ang community partnership at police visibility ng kapulisan sa Valenzuela ng 24/7 para mapigilan ang paglaganap ng iba’t ibang klase ng krimen sa pamumuno na rin ni Police Col. Rogelio Peñones Jr., na siyang Director ng Northern Police District (NPD).
Sinimulan ang program sa motorcade upang ipaalam sa lahat ng residente ng Valenzuela ang naturang programa kung saan handa ang mga tauhan ng tauhan ng pulisya pagdating sa pagbabantay at pagtulong sa oras ng pangangailangan.
Nagpapasalamat si Destura sa mga nakibahagi ng pagsisimula ng Oplan S.A.F.E. ng NCRPO gayundin sa suporta na ipinapakita ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela at ng publiko.