MPD, pinaigting ang pagpapatrulya sa harap ng pangamba ng publiko sa serye ng kidnapping

40

Nakakasa ang pwersa ng Manila Police District (MPD) sa isyu ng sinasabing sunod-sunod na insidente ng kidnapping sa bansa.

Ayon kay MPD Director PBGen. Andre Dizon, bagama’t may calibrated response na ang Philippine National (PNP), nagsanib aniya ang iba’t ibang force multipliers sa pagbabantay sa lungsod.

Sinabi ni Dizon na mas paiigtingin pa nila ang pagpapatrulya matapos na dagdagan ng Manila local government (LGU) ang kanilang pondo sa petrolyo.


Aniya, ang kanilang pagpapatrolya ay mas mararamdaman sa gabi at sa mga eskwelahan na mas nangangailangan ng police visibility.

Facebook Comments