Oplan Tokhang Ng BCPO Sub Station 6!

Baguio City, Philippines – Araw ng Biyernes, Abril 6, 2018 nang magsagawa ang Baguio City Police Office Sub Station 6 ng Oplan Tokhang.

Layunin ng operasyon na puntahan at kausapin ang mga napapabalitang kasama sa listahan ng mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot.

Dalawampung taong gulang, lalaki at residente ng Aurora Hill ang binisita ng mga kawani ng BCPO Station 6.


Ayun sa binata, taong 2011 pa ito huling naging user at gumamit ng Marijuana. Ngunit dahil kasama ito sa Drug List ay hindi na ito nag dalawang isip na sumama sa mga Barangay Officials at mga kapulisan para manumpa sa pagbabago.

Samantala, ang mga naisasama sa Drug list ay sumasailalim sa Wellness Program at Rehabilitation, upang maisuguro ang pagbabago ng kanilang buhay.

Facebook Comments