MANILA – Iginiit ng Senate Committee on Justice sa kanilang report tungkol sa Extrajudicial Killings (EJK) sa ilalim ng pamahalaang Duterte na may paglabag sa saligang batas ang oplan tokhang ng PNP.Ayon sa committee report, ilegal ang oplan tokhang dahil pinapapirma kahit walang abogado ang mga drug surrenderees.Bukod dito, inirekomenda rin ng komite na lakihan ang plaka ng mga motorsiklo na ginagamit ng riding in tandem sa pagpatayIsinulong din ang pagkakaroon ng special court para sa mga pulis na nahaharap sa kaso tulad ng may kaugnayan sa ilegal na droga.Sa interview naman ng rmn sa miyembro ngrise up for life and rights networkna si Nardy Sabino, nanindigan ito na hindi kailangang idaan sa patayan para resolbahin ang problema ng droga at kriminalidad.Maliban dito, inirekomenda rin ng komite na magsumite ang mga provincial district commanders ng PNP sa kongreso ng talaan kung gaano na karami ang kaso ng patayan sa kanilang mga lugar.
Oplan Tokhang Ng Pnp, Labag Sa Saligang Batas Ayon Sa Draft Report Ng Senado
Facebook Comments