Oplan Tokhang para sa mga local officials na hindi kumikilos kontra droga, ikakasa ng PDEA

Ipagpapatuloy ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kontrobersyal na “Oplan Tokhang” katuwang ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na prayoridad ng gagawing “tokhang” ang mga lokal na opisyal at ibang personalidad na hindi kumikilos upang linisin ang kanilang nasasakupan.

Aniya, mayroon pang 14,000 barangay sa Luzon at Visayas na hindi nalilinis sa impluwensya ng droga.


Tatapusin lang aniya nila ang panahon ng pandemic at muling ikakasa ang “tokhang”.

Walang dapat ikabahala ang mga opisyal dahil hindi drug operation ang “tokhang” kundi isang uri ng pakiusap.

Kabilang aniya sa senyales na hindi kumikilos ang mga lokal na opisyal ay makikita sa hindi pagtatatag ng Barangay Anti-Drug Abuse Council o BADAC.

Dapat na aniyang tapusin ang paglilinis sa mga drug influenced barangay lalo pa’t 640 days na lang ang nalalabi sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments