Optional na pagsusuot ng face masks, ihinihirit; isang eksperto, kumontra!

Inirerekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na dapat gawing optional na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.

Ayon kay Concepcion, dapat gawing mandatory lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor situations tulad ng pampublikong transportasyon.

Naniniwala si Concepcion na kaya ng magdesisyon ng publiko para protektahan ang kanilang mga sarili laban sa COVID-19.


Pero giit ni Philippine College of Physicians President, Dr. Maricar Limpin na hindi pa ito ang tamang oras para alisin ng pamahalaan ang mandato ng pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Sinabi pa ng eksperto na nakita na nila ang ebidensya kung gaano kahalaga at ka-epektibo ang proteksyong ibinibigay ng face mask dahil sa ngayon ay hindi nila nakikita na masyadong mataas na kaso ng COVID-19 kahit pa may mga nakapasok ng subvariant sa bansa.

Samantala, pabor naman si Limpin na alisin na sa state of public health emergency ang bansa.

Facebook Comments