Manila, Philippines – Tinapos na ng Korte Suprema ang oral arguments nito kaugnay sa mga petisyong inihain ni Senadora Leila De Lima.
Naungkat kahapon ang tila pagpuntirya ng gobyerno kay De Lima at mga kasong kinakaharap nito.
Sa pagharap ni Solicitor General Jose Calida – iginiit nito na hindi dapat katigan ng S-C si De Lima dahil sa pagkakasangkot nito sa pagbebenta ng ilegal na droga sa bansa.
Kinuwestyon naman Associate Justice Marvic Leonen si Calida kung bakit hindi kasama sa mga kinasuhan ang mga high profile inmates na mismong nagbenta ng ilegal na droga.
Hindi rin aniya magkakatugma ang mga affidavit ng mga testigong inmate.
Para naman kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno – lumalabas na nagbebenta ang mga inmates ng ilegal na droga kapalit ng mga pribilehiyong ibinibigay ni De Lima noon bilang dating kalihim pa ng Dept. of Justice.
Dahil dito, pinasusumite na ang abogado ni De Lima at ng gobyerno ng memorandum para maresolusyonan na ang petisyon ni De Lima na ideklarang ilegal ang pagkakaaresto sa kanya at sa Sandiganbayan dapat inihain ang kaso at hindi sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Facebook Comments