MANILA – Nagtakda ng Oral Argument ang Supreme Court (SC) upang dinggin ang paggamit ng voter receipt na gagamitin sa panahon ng halalan sa darating na Mayo 2016.Gaganapin ang Oral Argument sa darating na March 17, araw ng Huwebes, alas-10:00 ng umaga.Ayon kay SC Spokesperson Atty. Thedore Te, nais ng SC na matimbang ng maayos ang inihaing motion for reconsideration ng Comelec na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon na kailangang mag-imprinta ng voter’s receipt ang poll body sa araw ng halalan.Hindi Naman nagbigay ng timetable ang hukuman ukol sa paglalabas ng final ruling sa pag-iisyu ng resibo ng mahigit 90,000 vote counting machines.Una nang iniutos ng kataas-taasang hukuman sa Comelec sa botong 14-0, na mag-imprinta ng voter’s receipt.Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Comelec Chairman Andres Bautsita sa desisyon ng Korte Suprema.Aniya, nabuhayan sila ng pag-asa dahil mapapakinggan na ng mga mahistrado ang kanilang mga dahilan kung bakit tinututulan nila ang pag-isyu ng resibo.Samantala, nagbabala naman si Kontra Daya Convenor Prof. Danny Arao sa tila pang-ho-hostage ng comelec sa taumbayan dahil sa pananakot nito na baka hindi matuloy o mapostpone ang halalan dahil sa desisyon ng SC.
Oral Arguments Kaugnay Sa Pag-Iisyu Ng Resibo Sa Halalan – Itinakda Na Ng Korte Suprema
Facebook Comments