Oras ng operasyon ng MRT at LRT, balak palawigin ng bagong DOTr secretary

Balak ni bagong Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon na palawigin ang operating hours ng Light Rail Transit o LRT at Metro Rail Transit o MRT.

Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Dizon na plano nilang palawigin hanggang hatinggabi o hanggang alas dos ng madaling araw ang operasyon ng MRT at LRT.

Nais din ng bagong DOTr secretary na dagdagan ang mga bagon ng LRT at MRT para mas maraming pasahero ang makasakay.

Pag-aaralan din aniya nila ang iba pang improvements sa railway system ng bansa para sa kaginhawahan ng commuters.

Facebook Comments