Minorya sa Senado, hinamon ang Mayorya na pangunahan ang impeachment proceedings laban kay VP Sara

Hinamon na ni Senate Minority Leader Koko Pimentel si Senate Majority Leader Francis Tolentino na pangunahan na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Muling iginiit ni Pimentel na mayroong constitutional duty ang mga senador at ito ang dapat na manaig sa halip na ang reelection bid sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Pimentel, bilang isang majority leader ay dapat na i-set na ni Tolentino ang pagtalakay sa impeachment complaint laban kay Duterte.

Sinabi ng senador na habang abala ang mga kasamahan sa kampanya ngayong nalalapit na halalan, ang “best campaign” na maaaring magawa ng mga reelectionist na mambabatas ay gampanan ang kanilang constitutional responsibilities.

Umaasa si Pimentel na hindi sana maging hadlang sa pagtupad sa kanilang mandato ang nalalapit na eleksyon.

Facebook Comments