
Cauayan City – Arestado ang dalawang tulak ng ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Tuguegarao City at Tuao, Cagayan.
Unang nahuli sa isang buy-bust operation sa Macapagal Avenue, Brgy. Balzain East, Tuguegarao City si alyas “Mia,” 28 anyos, at isang pribadong empleyado.
Nasamsam sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Samantala, sa Barangay Centro 1, Tuao, Cagayan, nasakote rin si alyas “Mike,” 40 anyos, matapos mahulihan ng limang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money at isang cellphone.
Ayon kay Police Colonel Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police, patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan.