Cauayan City, Isabela- Matagumpay na inilunsad ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ang organic farming partikular sa barangay Anurturu, Rizal Cag ayan.
Nakiisa ang Department of Social and Welfare Development Field Office 02 (DSWD FO2) katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), PNP, AFP at iba pang ahensya ng gobyerno sa proyekto ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) na inilulunsad sa naturang Lalawigan.
Ang barangay Anurturu ay kabilang sa anim (6) na napili sa mga malalayong barangay sa Cagayan na makikinabang sa PRLEC’s.
Ito ay bilang bahagi na rin ng pagsuporta sa Executive Order (EO) 70 na layong matulungan ang isa’t-isa para matapos ang insurhensiya at ang Local Armed Conflict sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga livelihood trainings at iba pang mga programa ng pamahalan para sa pag-unlad ng mamamayan.
Daan din ito para matulungan at maihatid ang mga programa ng gobyerno sa mga nakatira sa kanayunan at sa mga lugar na apektado ng insurhensiya.