Organizers ng concert ni Ariana at Britney, ipinatawag ng Pasay LGU

Manila, Philippines – Ipinatawag ni Pasay Mayor Antonio Calixto ang organizer ng mga concerts para ilatag ang mga ipapatupad na seguridad sa nalalapit na pagtatanghal ni Britney Spears at Ariana Grande sa Mall of Asia Arena Pasay City.
Ayon kay Atty. Jemelo Villones, Secretary to the Mayor – binigyan ng tatlong linggo ang mga organizer na magsumite ng mga pangalan ng kanilang team marshall at medical team na itatalaga sa area sakaling may untoward incident sa loob at labas ng pagdadausan ng concert.
Inatasan din ang mga organizer na obligado silang maglagay ng CCTV camera sa pagdadausan at magbigay sila ng kopya sa PNP upang madaling matukoy ang pagkakakilanlan ng sinumang gumawa ng kaguluhan sa pinagdadausan na concert.
Sa Hunyo 15 gaganapin ang concert ni Britney habang sa Agosto 21 naman kay Ariana.
DZXL558

Facebook Comments