OSG, nagkakasa ng quo warranto case laban kay Supreme Court Justice Marvic Leonen

Pinag-aaralan na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng quo warranto case laban kay Supreme Court Justice Marvic Leonen.

Partikular na gagamiting ground ng OSG ang hindi anila paghahain ng Statements of Assets Liabilities and Networth (SALN) ni Leonen.

Ayon sa OSG, oras na makita nila na may paglabag si Leonen sa isyu ng paghahain ng SALN ay hindi sila magdadalawang isip na maghain ng quo warranto petition laban sa mahistrado


Sumulat na rin ang OSG kay Atty. Larry Gadon matapos na hilingin nito sa OSG na maghain ng quo warranto case laban kay Justice Leonen.

Magugunitang sa isyu ng hindi paghahain ng SALN napatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno matapos siyang sampahan ng quo warranto case ng OSG.

Facebook Comments