Lalaki sinaksak ng kainuman

13

Banga, Aklan – Tama sa dibdib ang tinamo ng isang lalaki matapos na saksakin ng kanyang kainuman kagabi sa Brgy. Linabuan, Sur, Banga, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Hermie Flores, 34-anyos habang ang suspek ay nakilalang si Benjie Remis, 35- anyos at parehong residente ng nasabing lugar. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Banga PNP na magkasama ring nag-inuman ang dalawa sa bahay ni Jessie Billones ng bigla na lang sinaksak ng suspek ang biktima. Samantala sa nakuha namang impormasyon ng Banga PNP sa suspek ay sinabi nito na naghihiwa ito ng sibuyas ng magkaasaran at nangyari ang insidente. Mabilis namang naka responde ang MDRRMO Banga at dinala ang biktima sa hospital. Agad namang sumuko ang suspek sa mga kapulisan at sa ngayon ay hinihintay pa ang disisyon ng biktima kung magsasampa ito ng kaso.

Facebook Comments