Manila, Philippines – Hindi na dapat pang manatili sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang mga kadeteng nambubogbog nang kanilang mga upperclassmen o ang anim na mga bagong graduates ng PNPA MARAGTAS Class of 2018
Ito ang direktang sinabi ni National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman Rogelio Casurao matapos makarating sa kanya ang insidente ng pambubogbog.
Para sa opisyal dapat maaga pa lamang ay nadidisplina na ang mga kadeteng ito at natuturuan ng tamang paguuugali.
Hindi aniya silang magdadalawang isip na patawan ng pagkatanggal sa serbisyo ang mga kadete kung mapapatunayang guilty sa pambubogbog.
Isa aniya sa nakikita nilang dahilan sa nangyaring pambubogbog ay dahil sa umanoy paghihiganti ng mga underclassmen sa anim na mga bagong graduates na ngayon ay aalamin nya kung bahagi ng tradisyon sa akademya.