Manila, Philippines – Nais ng Metro Manila Council (MMC) na ipagbawal ang pagdaan ng mga motorsiklo sa EDSA.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, pinuno ng MMC – inatasan na nila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para pag-aralan ang polisiya.
Karamihan kasi ng mga nangyayaring aksidente sa kalsada ay kinasasangkutan ng mga motorcycle rider na nagdudulot rin ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Ayon naman sa MMDA, pag-aaralan muna nilang mabuti ang rekomendasyon ng MMC bago ito ipatupad.
Sa datos ng MMDA noong 2016, umaabot sa pitumpung libo ang bilang ng mga motorsiklong bumabaybay sa EDSA.
Facebook Comments