Outreach Program ng PRO2 sa Cagayan, Matagumpay na Isinagawa!

176

*CAGAYAN*- Matagumpay na naisagawa kahapon ang Community Outreach Program ng Police Regional Office 02 (PRO2) sa ilang lugar sa Lalawigan ng Cagayan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO2, ito ang kauna- unahang pagkakataon anya na nangyari ang ganitong outreach program na nagsilbing christmas party ng PNP sa rehiyon.

Ang nasabing programa ay binubuo ng Team Alpha na pinangunahan ni PNP Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino sa Agugaddan, Penablanca at ng Team Bravo na pinangunahan naman ni Police Chief Superintendent John Cornelius Jambora sa Brgy. Ibulo, Baggao, Cagayan.


Layunin ng programa na makatulong sa kapwa, mapasyalan ang mga liblib na lugar at makapagbigay ng pamasko gaya ng mga groceries, tsinelas at libreng gupit na kung saan ay nasa anim na raang katao ang naserbisyuhan mula sa bayan ng Baggao at Penablanca.
Dagdag pa ni Iringan na hindi lamang ito ang simula kundi inaasahan pa na mauulit sa mga susunod pang mga taon.

Facebook Comments