OVERALL PROJECT DESIGN | Master plan para sa Marawi rehabilitation, inilabas

Manila, Philippines – Inilabas na ng pamahalaan ang overall project design para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Batay sa master plan, makikita ang mga bagong pampublikong lugar gaya ng mga parke, malls, plaza at streets.

Mayroon ring inilaan na dalawang ektaryang historical site na may museum kung saan nakalagak ang memorabilia mula sa gyera.


Preni-serve din ang Bato Ali Mosque kung saan naganap ang bakbakan laban sa mga Maute-ISIS Group.

Ang naturang project design ay may estimated cost na P17.2 bilyon.

Target naman ng Task Force Bangon Marawi na matapos ang rehabilitation sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Facebook Comments