Aarangkada na sa Sabado (April 13) ang Overseas Absentee Voting (OAV) kaugnay ng midterm elections.
Ito ay isang buwang botohan para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), higit 1.8 million na OAV ang nasa iba’t-ibang panig ng mundo.
Karamihan ay land-based na nasa 1.7 million habang sea-based naman ang iba pa.
Nasa Middle East at African Region ang may pinakamaraming overseas voters, kasunod ang Asia Pacific Region, North at Latin America at Europe.
Sa ilalim ng OAV, may pagkakataon silang bumoto ng 12 senador at isang party-list group.
Magtatagal ang OAV hanggang sa mismong araw ng eleksyon sa Pilipinas sa May 13, 2019.
Facebook Comments