Overseas voters, hinimok ng COMELEC na lumahok sa internet voting test run

Hinimok ng Commission on Elections ang Overseas voters na lumahok sa test run ng apat na internet voting solutions ng iba’t ibang election systems providers.

Ayon sa Commission on Elections-Office for Overseas Voting (OFOV), ang maaaring lumahok sa test run ay registered overseas na active at may kumpletong voter registration record.

Nangangahulugan ito na hindi dapat deactivated ang registration status at dapat ay nakalahok sa nakalipas na 2016 at 2019 elections.


Dapat din may kumpletong biometrics data, katulad ng photograph, fingerprints at signature.

Bilang pagtalima naman sa data privacy policy, dalat ang interesadong participants ay mag-email ng pirmadong consent form, at kopya ng kanilang passport o seafarer’s book sa email address overseasvoting@comelec.gov.ph.

Ang pag-sign up ng test voters ay hanggang sa February 12,2021 dakong alas-8 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments