OVP, itinangging plagiarized ang “Isang Kaibigan”

Walang nangyaring plagiarism sa children’s book ni Vice President Sara Duterte na “Isang Kaibigan.”

Ito ang ipinahayag ni Atty. Michael Poa, spokesperson ng OVP sa isang statement bilang tugon sa mga nagsasabing may pagkakahawig ang storyline ng “Isang Kaibigan” sa “The Way Home” na tungkol sa kwagong si Owly na nailathala noong 2007.

Ayon kay Poa, original work ang “Isang Kaibigan” dahil ito may copyright registration na narehistro noong December 2023.


Hindi na rin nagkomento pa si Poa sa isang nakabasa umano sa libro na sumulat pa sa mismong author ng Owly na nagtatanong kung kumuha ba ng permiso si VP Sara para kopyahin ang storyline ng Owly.

Facebook Comments