Tuesday, April 14, 2026

SCP ng pamahalaan, tumatanggap na ng aplikante

Gagamit ng online platform ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagtanggap ng aplikasyon para sa Land-Based Service Contracting Program (SCP).

Ito ay para mas maging convenient ang pagsusumite ng aplikasyon at hindi na maabala pa ang mga benepisyaryo.

Sa ngayon ay tumatanggap na ng aplikante ang SCP ng mga bus na gagamitin sa EDSA Carousel.

Available rin ito sa UV Express at mga modern jeep sa buong bansa; maging sa modern at traditional jeep sa Metro Manila at iba pang probinsya.

Samantala, sinasapinal na rin ang karagdagang P10 kada litro na fuel subsidy.

Facebook Comments