Tuesday, April 14, 2026

Local testing centers para sa 2026 Shari’ah Special Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang listahan ng mga unibersidad na magsisilbing testing centers para sa 2026 Shari’ah Special Bar Examinations.

Ayon sa Supreme Court, ito ay ang mga sumusunod:

New Era University School of Management Building sa Quezon City
Mindanao State University- Iligan Institute of Technology sa Iligan City
Ateneo de Davao University Senior High School Campus sa Davao City
At Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga del Sur.

Simula naman bukas, April 15 ay maaari nang makita at ma-access ng mga kuluha ng pagsusulit ang kanilang Local Testing Centers sa pamamagitan ng BARISTA accounts.

Sinabi pa ng Kataas-taasang Hukuman na pinal na ang testing venue assignments at hindi na papahintulutan ang anumang request para magpalipat.

Itinakda naman ang 2026 Shari’ah Special Bar sa darating na May 24 at May 27.

Facebook Comments