OWWA Deputy Administrator Mocha Uson, pinagpapaliwanag ng NBI sa mga post nito sa social media

Pinadalhan na ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson.

Pinagpapaliwanag ng NBI si Uson kaugnay sa reklamo laban sa kanya dahil sa sinasabing pagpapakalat ng fake news.

Magugunitang binatikos si Uson sa post nya sa social media noong Abril kaugnay ng mga PPE na binili daw ng DOH, pero ito pala ay donasyon ng isang pribadong kumpanya.


Bagamat humingi na ng paumanhin noon si Uson, nilinaw naman ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo na nasa proseso pa lang sila ng pag-iimbestiga sa reklamo at wala pang naisasampang kaso sa DOJ o sa korte.

Facebook Comments