P-Duterte, aminadong hindi mapipigilan ng Pilipinas ang China sa mga aktibidad nito sa Panatag Shoal

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapipigilan ng Pilipinas ang China, sakaling ituloy nito ang plano nilang pagtatayo ng radar monitoring station sa Panatag o Scarborough Shoal.
 
Sa press conference ni Pangulong Duterte sa Davao International Airport, sinabi nito na maging ang world powers tulad ng Amerika ay hindi rin kayang pigilan ang China sa pina-plano nito.
 
Manila, Philippines – Gayunman aniya, kaya niyang magdeklara ng giyera laban sa China, pero ang tiyak na magiging kapalit nito ay mauubos ang mga sundalo at pulis at masisira rin ang buong bansa.
 
Wala rin aniya siyang nakikitang masama sa “stop over” na ginawa ng survey ship ng China sa Benham rise.
 
Ipinunto pa ng pangulo na, araw-araw ngang dumadaan sa Benham rise ang barko ng Amerika kaya bakit naman niya pipigilan ang China na dumaan doon.
 
Binigyang diin pa ni Pangulong Duterte na kaibigan ng pilipinas ang China na tumutulong sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa.
 
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
 

Facebook Comments