MANILA – Personal na ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang kanyang sentimiyento laban sa Estados Unidos.Tumagal ng apat na oras ang pag-uusap ng dalawang lider kung saan humingi ng paglilinaw si Abe sa mga patutsada ni Duterte laban sa Amerika.Sinabi naman ng Pangulo na walang naging komento o reaksyon dito ang Prime Minister kung saan nakinig lamang ito sa kanyang paliwanag.Samantala, pinagtibay ng dalawang lider ang alyansa ng Japan at Pilipinas kung saan tatanggap ang bansa ng dalawang malalaking patrol vessel na bahagi ng 204 million dollars na loan mula sa Japan.Bukod dito, nangako din ang Japan na magbibigay sa Pilipinas ng high speed patrol boats para sa operasyon ng bansa laban sa terorismo at military training aircraft.
P-Duterte, Nagkwento Kay Pm Abe Ng Kanyang Sentimyento Laban Sa Amerika
Facebook Comments